MAY SOMETHING IN COMMON KAMI NG ELEPANTE…

Parehas kaming takot sa bubwit.*
Matapang naman yata ako. Feeling ko. Pwedeng feeling ko lang, dahil may one time na may sumubok bumugbog sa tropa kong si Mike habang kasama ako, at kinabahan ako. Dahil hindi ko alam gagawin ko. Last na suntukan na na-involve ako, ‘nung highschool pa. At nung time na iyon dalawa lang kami (not counted ‘yung girlfriend ko na tili lang ng tili), marami sila, tatlo sa kanila ang lumusob. Umawat lang ako at nanginig after. Kahit ‘yung pagkaka-awat ko laos dahil napalo si Mike ng belt-buckle sa ulo. Hindi siya nagulpi dahil may mga tambay na gustong tumulong. Dumating na din ‘yung guards at bouncers na kampi sa amin. Umuwi na lang kami. Bad trip dahil wala akong nagawa. Nalaman ko na lang na bumalik doon si Mike pero may kasama nang mixed martial arts champion at binugbog ‘yung tatlong maangas. Kinabukasan ko na nalaman nangyari.
Pero one time, may pumasok na magnanakaw dito, tapos nahuli ‘nung bayaw kong si Charlie. Nagpang-abot sila sa gate. Nagbuno sila. Nalaman kong nag-wre-wrestling sila. Sumugod ako at pinagsasapak ko ‘yung magnanakaw. Malaki yung magnanakaw at masel-muscle, pero natalo namin siya. ‘Yun nga lang nakatakbo at hindi na namin nahabol dahil sa bad cardio at mga shitzu (kung bakit Shitzu, ibang story na iyon).
May time din na napatiklop ko ‘yung isang gang ng sindikatong parking boys sa Morato. Hindi na nila ako bina-bother ngayon, pero napra-praning din ako dahil feeling ko tyume-tyempo lang mga iyon para turuan ako ng leksyon. So anyway, matapang naman ako kahit papaano, lalo na ‘pag mainit ang ulo ko. Pero pagdating sa bubwit, takot na takot ako.
Lagi akong pinagtri-tripan ng bunsong kapatid ko at tinatakot sa daga. Habang naglalakad kami, bigla siyang sisigaw ng “Daga!” tapos mapapatalon talaga ako. Dati nagkunwari ang mga kapatid ko na may nakapasok na daga sa kotse, muntik na kaming mabangga dahil nanigas ako. One time, may close friend akong nagkwento na nag-alaga siya ng daga nung bata siya, nanlambot tuhod ko. Meron ding instance na may humabol (oo, humabol) sa amin ng mga friends ko na malaking daga doon sa condong tinatambayan namin ‘nun, tapos napagsarhan ako ng pinto nung nagtakbuhan lahat sa kuwarto, naiwan ako kasama yung daga. Sigaw ako nang sigaw… like a school girl.
Hindi ko alam kung bakit may automatic reaction na takot ang katawan ko pagdating sa daga. Hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito, pero alam ko kung kailan siya nagsimula…
Eleven years old ako. Hindi pa ako takot sa daga. May bubwit infestation noon sa bahay. Ang brilliant solution ng nanay ko ay maglagay ng mga flypaper na may peanut butter sa gitna. Apparently, favorite ng daga ang peanut butter (hindi cheese) kaya magtatakbuhan sila papunta sa flypaper at madidikit sa rugby. Then itatapon sila sa labas para kainin ng mga pusa. Very medieval. Ayaw ng PETA. Pero effective. Three to ten na bubwit ang nabibiktima kada linggo. At masaya ang mga pusa sa labas. May mga pitbull ako that time kaya hindi makapasok ang mga pusa dahil ginagawa silang bloody chew toys. Kaya dumami ang daga. Kaya ayun nga…
Kumakain ako ng tanghalian mag-isa sa kusina. May flypaper three feet away from me, sa may lababo. May na-trap na nag-iisang bubwit. Pinapanood ko siya habang kumakain ako ng tinola. Nag-i-struggle siyang makalabas sa fly paper. Dramatic ang struggle. Entertaining. Nakakarinig na ako ng imaginary cello music at timpani roll habang minamasdan ang struggle ng daga. Nakakawala na ang isa niyang paa, tapos isa pa… tuloy ang struggle.
Binitawan ko ang hawak kong chicken drumstick at tumayo sa tapat ng daga. Pinanood ko siya. Patuloy pa rin ang kanyang quest for freedom. Kung filmmaker na ako nung time na iyon, at may DSLR with video na ako, pwede ko siyang kunan, tapos gagawin kong title “The Filipino”, metaphor ang dagang nasukol sa madikit na trappings ng kahirapan dahil sa pagkakaakit sa wagas na sarap ng peanut butter… ART!!!
Pero dahil bata pa ako at ayokong makawala ang bubwit, tinupi ko ang flypaper para naka-sandwich ang kawawang daga sa mga layers ng rugby. Akala ko ‘yun na ‘yon. But no! Biglang nagtatalon ang flypaper. Parang sinturon ni hudas na sumasabog. Sa tenga ko naririnig ko para talaga siyang sumasabog. Nagtatatalon ang flypaper papalapit sa akin. Tumigil. Sabay dumungaw ang paa ng daga at nag-squeek. Tapos nagtatalon ulit ito. Napatalon na din ako sa taas ng upuan. Dumating ang nanay ko at si Aling Emily. Kumuha si Aling Emily ng walis at niligtas ako. Pinatay niya ang halimaw gamit ang tambo.
Natawa lang kaming lahat pagkatapos ang experience na iyon. Hindi ko in-expect na may lasting damage pala ito sa aking psyche. Basta noong naka-encounter ako ng daga after that, pinagpapawisan na ako ng malamig. Isang theory na naisip ko ngayon-ngayon lang, baka ito ang way ng subconscious ko para ipaalala sa akin na mali ang itupi ang isang flypaper sa isang bagay na nagpupumiglas lumaya. Deep! Think about it… ang deep diba?!
Pero bullshit aside, nakakatakot naman talaga ang bubwit, kung elepante nga takot sa bubwit e, ang laki na noon a. At hindi ako takot sa elepante. Although, wala naman akong nakikitang elepante na biglang tumatakbo sa gilid ng lababo. So hindi rin ako sure…
Ano nga ba yung joke tungkol sa Langam at Elepante? Hindi ko na rin maalala. Pero ang alam ko natatawa ako tuwing naririnig ko iyon.
*Patuloy pa rin ang debate at pananaliksik ng mga scientist kung totoo nga ba na takot elepante sa bubwit.



Kung paano biglang dumating si Rudolph sa pamilya namin, ganoon din siya kabilis nawala.